Tinatayang nasa P300,000 halaga ng burial assistance ang ipinamahagi ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga residente na nawalan ng mahal sa buhay.
Personal na ibinigay ni Estrada ang P3,000 burial aid sa 90 beneficiaries ng “Damayan ng Maynila” program noong nakaraang Lunes.
“Hindi ito isang abuloy, I know how it feels to have lost a loved one, so please accept this as a token of sympathy from your city government,” pahayag ni Estrada sa mga beneficiaries.
Ang “Damayan ng Maynila’ ay isang social action program na itinatag ni Estrada noon nakaraang November para bigyan ng tulong ang mga mahihirap na Manileños na namatayan ng miyembro ng pamilya.
Bago ipinamigay ang tulong pinansiyal, 187 pamilya mula sa six districts ng Manila ang nabiyayaan ng burial assistance. (Analou de Vera)