Naudlot man ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, mukhang matutuloy naman ang paggawa ng megastar ng indie film na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha“ para sa Cinemalaya Film Festival.
Naipost ito ni Sharon sa social media na aniya, ginagawan ng paraan para matuloy ito. May isa pang pelikula siyang nakatakdang gawin na hindi muna niya sinabi kung ano’ng pamagat.
First indie movie ni Sharon ang APHL sakaling matuloy ito. Sana nga’y wala nang maging hadlang.
Nasasabik na rin ang kanyang fans and supporters na mapanood siya sa big screen. Dismayado na nga sila sa naudlot na reunion movie nina Sharon at Gabby, sana naman daw ay matuloy na ang indie movie ni Sharon.
Gusto naman nilang mapanood ang megastar na umaakting, hindi ‘yung hanggang pagdya-judge o pagko-coach na lang siya sa mga programang nilalabasan niya sa ABS-CBN. Wish din ng Sharonians na mapanood siya sa isang teleserye.
Nami-miss na rin nila ang pagkanta ni Sharon na sana raw ay magkaroon din siya ng musical show o kahit musical special.
Tinanggihan?
Wow naman, si James Reid pa ang diumano’y tumangging makasama sa isang project si Angel Locsin. Totoo kaya ito?
Diumano, tinapatan kasi noon ni Angel ang isang pelikula nina James at Nadine.
Hindi raw ‘yun nagustuhan ni James. Kasalanan ba ‘yun ni Angel? Hindi naman siya ang nagdedesisyon sa movie playdate, kundi ang producer.
Noong ipahayag ni Angel at ng Star Cinema na hindi na niya gagawin ang “Darna” movie, nabanggit ng aktres na dalawang pelikula ang gagawin niya, one with James Reid, another one with Coco Martin.
Ang babaw naman ng dahilan ni James kung totoong tinanggihan niyang makatrabaho si Angel. Hindi kaya may nang-iintriga lang?
Bitin
Mukhang may pinagdaraanan si Mark Herras dahil bigla siyang nalungkot nang kumustahin namin ang anak niyang si Ada noong presscon ng “D’Originals.”
Dati kasi, basta ang anak niya ang pinag-uusapan, hindi nauubusan ng kuwento si Mark. Parang may gusto siyang sabihin nang biglang may isang taong lumapit sa kanya at sinabing kailangan na nilang umalis.
Nabitin tuloy ang interbyuhan namin.