CLARK FREEPORT ZONE (PIA) Maraming negosyante ang nasasabik nang pumasok sa Gitnang Luzon dahil ito ang rehiyon na may pinakamabilis na paglago sa bansa, kasunod ng ika-11 rehiyon.
Inilahad kamakailan ni Bases Conversion and Development Authority President at Chief Executive Officer Vivencio Dizon na ang Region 3 ay mayroong 9% Gross Domestic Product growth, na mas mataas ng dalawang porsiyento sa national average GDP.
Ang mga investors aniya mula Japan, China at maging sa European Union ay nasasabik nang pumasok sa Gitnang Luzon dahil nakikita nila na handa ang gobyerno na magbuhos ng malaking pera sa pagpapagawa ng mga interconnectivity infrastructure na kailangan ng mga negosyante upang lumago ang kanilang mga puhunan.