May mga kakilala ba kayong kapag inalok ng pagkain, kahit maputla na sa gutom, tatanggi kasi nahihiya? Kapag pinagsalita mo, nagkakanda-utal-utal at namamawis ng husto sa sobrang hiya? Napaka-talentado at napakahusay naman pero kapag may nanonood na, tumitiklop sa sobrang hiya?
Mahiyain ka ba?
Aliw na aliw ako sa halamang Makahiya. Napaka-sensitive niya na kapag nahipo or nadaplisan mo lang sya ng kaunti, bigla siyang tumitiklop ng mahigpit. Kahit anong buka mo ng mga dahon nya hindi ito bumubuka. Kaya nga siguro MAKAHIYA ang pinangalan sa kanya.
Para ka bang Makahiya? Super sensitive at super mahiyain ka ba? Minsan naiinis ka na sa sarili mo kasi wala namang dapat ikahiya, pero parang automatic na sa’yo ang tumiklop, bumaluktot, at magtago sa sobrang hiya.
May mga hiya na “healthy” at meron din namang “unhealthy.” May mga pagkakataong dapat talaga tayong mahiya at may mga pagkakataong hindi naman dapat. Pero ang tanong ko sa’yo ngayon ay kung nais mo bang ma-overcome ang unhealthy hiya mo?
Here are my tips:
HUWAG MONG IKAHIYA ANG IYONG SARILI
Madalas, ang mga taong sobrang mahiyain ay palagawa ng mga bagay at kaisipan na kinatatakot nila. Hindi pa man nila nasusubukang gawin ang isang bagay, takot na agad sila na ma-reject, mapahiya, pumalpak, at kung ano pang negative na katatakutan.
Takot na agad sila sa sasabihin at iisipin ng ibang tao. Kaya ang ending, hindi nalang nila gagawin, hindi nalang nila susubukan.
Huwag tayong mag-imbento ng sarili nating mga multo. Don’t create scenarios na di mo naman siguradong mangyayari o darating. Stop overthinking and improvising. Sa madaling salita, huwag kang paranoid.
DUMIKIT KA SA MGA MALALAKAS ANG LOOB
Expose yourself sa mga taong confident at matibay ang loob. Hayaan mong mahawaan ka nila. Let these kinds of people influence you. Syempre in a good way ha? Ibang usapan yung malakas ang loob gumawa ng mali.
Hindi ‘yun ang pinupunto ko dito. Makihalubilo ka sa mga taong, ipu-push ka to your limit, palalakasin ang loob mo, ibi-build up ka, at encourage ka. People who will bring out the best in you. Kasi kapag ang lagi mong kasama ay yung mga mahiyain din na tulad mo, sama-sama lang kayong magtatago at titiklop.
PALITAN MO ANG IYONG PAG-IISIP
Change your mindset. Tulad nga ng palagi kong sinasabi, our mind is the battleground. Everything starts in the mind.
What you feed your mind will eventually manifest in your action. Kapag nag-entertain ka sa isip mo ng mga fears and negative thoughts, lalo lang mabu-boost ang hiya mo.
Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-iisip ng mga bagay na magpapahina ng loob mo. Sa halip, palitan mo ito ng positive thoughts that will empower yourself to try and do the things that you should and must do.
At the end of the day, ayaw naman nating magkaroon na maraming regrets and “what ifs.” Life is short. Opportunities come and go. Huwag mong hayaang matalo at matabunan ka ng sarili mong hiya. Sayang naman. Kaya habang may panahon pa, habang hindi pa huli ang lahat, huwag ka na maging MAKAHIYA.
THINK. REFLECT. APPLY
Ano kaya ang dahilan o ugat ng iyong hiya? Handa ka na bang sumubok at harapin ang iyong mga fears? Anong klaseng mindset ang meron ka? (Chinkee Tan)