Hindi nahiyang aminin ni 2016 Cannes Best Actress Jaclyn Jose na minsan na rin siyang naging “other woman” sa buhay ng isang lalakeng may-asawa.
Hindi naman itinatago ni Jaclyn na ito ay sa pumanaw nang aktor na si Mark Gil na nakarelasyon niya noong 1988 habang ginagawa nila ang pelikulang Itanong Mo Sa Buwan.
Kuwento ni Jaclyn, napaka-naïve daw niya noong mga panahon na iyon. Tinawag pa niya ang sarili na isang probinsyana at kakaunti lang na artista ang kilala niya.
“So, na-involve ako sa guy na ito sa lock and shoot.
“Matagal kaming nasa location. So nagkadebelopan kami.
“Pag-uwi ko ng Manila, sinabi ng sister ko, ‘May asawa ‘yan! May anak ‘yan! Six months pa lang ang baby.’
“I was trying to do something about it. But ‘yung kapalaran, sila ay naghiwalay, parang ganun.”
Ang asawa noong panahon na iyon ni Mark ay ang aktres na si Bing Pimentel na ina ng aktor na si Sid Lucero at ng aktres na si Max Eigenmann.
Pinagsisihan naman daw ni Jaclyn ang nagawa niyang iyon.
“So, humingi na rin ako ng apology dun sa woman.
“I said sorry. I didn’t know then.
“Everything went well. Okay naman na,” diin pa niya.
Kaya hindi kataka-takang nakaka-relate si Jaclyn sa istorya ng GMA-7 dramedy na D’Originals dahil minsan ay nalagay siya sa posisyon ng other woman.
“Yes, I was once in that position. Pero tahimik ako, eh. I don’t know anything.
“Nandun na ako. Ang hirap ng gano’ng sitwasyon.
“Hindi maiiwasan ‘yan. Kasi kapag gumagawa ka ng love scene o ng palabas, hindi mo maiwasang wala kang maramdaman.
Ang naging maganda raw na kinahinatnan ng two-year relationship ni Jaclyn kay Mark ay ang nagkaroon sila ng anak na si Andi Eigenmann na ipinanganak niya noong 1990.
At 53, lola na si Jaclyn sa anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie. (Ruel J. Mendoza)