Ipinahayag kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagtataas ng sweldo ng city hall employees bilang regalo sa kanila kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-80 kaarawan sa darating na Miyerkules.
Ang across-the-board increase sa monthly pay ng regular employees ay retroactive sa January 1, 2017, ayon kay city personnel office chief Miguelita Alonzo.
Ang bawat isang employee ay makakatanggap ng 10 percent increase sa kanilang buwanang sweldo.
Simula nang magsilbi siya bilang mayor ng Manila noong 2013, sinabi ni Estrada na isa sa kaniyang “birthday wishes” ay ang maitaas ang kalidad ng buhay ng city hall employees para matulungan silang makasabay sa patuloy na pagtaas ng bilihin.“I’ve seen your hard work and dedication, so as my gift to you, you will receive another increase in your monthly pay,” pahayag ni Estrada.
Naglaan ang city government ng R250 million para sa salary adjustments ng 8,830 regular employees base na rin sa regulations ng Department of Budget and Management (DBM). (Jaime Rose R. Aberia)