Nanawagan si Manila Mayor Joseph Estrada sa Congress na magpasa ng batas na magre-require sa Philippine Ports Authority (PPA) na ibahagi sa city government ang kinikita sa operations nito sa lungsod.
Sinabi ni Estrada na oras na para makatanggap ang lungsod ng kahit na one percent ng multi-billion peso revenues ng PPA mula sa operations ng Manila North at Manila South harbors at Manila International Container Terminal (MICT).
“Together with our congressmen, we are working out a system on how we can get a slice of the pie because itong Manila port, ang laki, billions ang kita ng PPA, pero walang nakukuha ang City of Manila,” pahayag ng Manila mayor.
Base sa report ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago, umabot sa R14.13 billion ang kinita ng PPA noon 2016, mas mataas ng seven percent kumpara sa kinita noong 2015 at mas mataas ng eight percent sa target na kita.
Naniniwala si Estrada na dapat lamang na makakuha ang lungsod ng bahagi ng kinikita ng PPA dahil ang Manila ang bumabalikat sa pagmi-maintain ng mga daan at pagsasaayos ng traffic para sa daan-daang cargo trucks na pumapasok at lumalabas sa Manila ports sa Port Area at Tondo.
“Ang laking istorbo sa Maynila ng mga pier na ‘yan,” aniya. “Yang mga trucks nila, malaking trapik sa Maynila, but we don’t get a single centavo sa income ng port.” (Jaimie Rose R. Aberia)