BAGO matapos ang buwan ng Abril ay magsisimula nang gumiling ang kamera para sa produksiyon ng “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”, ang unang Cinemalaya movie ni Sharon Cuneta.
Mismong ang megastar na ang nagkumpirma ng balitang ito sa kanyang Facebook account. Post ni Sharon, “Update! Filming of ‘Ang Pamilyang Hindi Lumuluha’ to be directed by Mes De Guzman for #Cinemalaya2017 begins before the end of the month!”
Ito ay matapos ang ilang linggong naging ispekulasyon na maaaring hindi magawa ng singer-actress ang nasabing movie, dahil sa “schedule conflicts”, at nagbigay na ng April 5 deadline ang Cinemalaya organizers (as advised by Direk Mel Chionglo, Competition Director ng festival), upang mag-decide siya kung masisimula – at matatapos ba niya – ang pelikula.
Kaya naman puspusan na ang pre-production preparations ng grupo ng award-winning writer-director nitong si Direk Mes de Guzman.
Naka-ilang beses na ang pre-production meetings ng team bago ang Holy Week, pati na ang ocular inspection ng possible locations na gagamitin ng produksiyon.
Kahapon, April 18 (Martes) naman naganap ang Open Casting Call ng nasabing pelikula sa Dream Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Pasay City, na kung ang pagbabasehan ang feedback sa Cinemalaya fan page ay “dagsa” ang gustong mag-audition makasama lang sa Sharon movie.
Earlier sa Facebook Page pa rin ni Sharon, sinabi nitong tuloy na nga – at wala nang makakapigil pa – sa paggawa niya ng said movie.
Post ni Sharon, “Seriously, thank you from the bottom of my heart, CINEMALAYA 2017, for giving me and Direk Mes de Guzman the privilege and honor to be part of this year’s film entries. I am beyond thrilled and feel truly blessed. I am just so honored.
“Direk Mes and I are so excited na! We talked earlier tonight. So happy. Walang kokontra – TULOY NA TULOY NA ang ‘ANG PAMILYANG HINDI LUMULUHA!’ (From “Crying Ladies” na puro cry, and ganda! Wala naman crying ang family na ito!
Hahaha!)”
“Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” ay tungkol sa isang desperadang ina na naghahangad na bumalik ang asawa at dalawang anak sa kanyang piling.
Gaganapin ang Cinemalaya 2017 (now on its 13th year) sa August 4-13 sa CCP Theaters and Ayala Cinemas.
Samantala, ayon pa rin kay Sharon, tuloy na rin daw ang kanyang bagong Star Cinema movie, bagama’t wala pang detalye tungkol dito. (MELL T. NAVARRO)