Maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng special “Asean lanes” sa pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa metropolis sa susunod na linggo.
Sinabi ni Manny Miro, head of operation Task Force ASEAN, na ipa-tutupad ang “stop and go” scheme sa Senator W. Diokno, Jalandoni, A. De la Rama, Bukaneg, Arnaiz Streets, Makati Avenue at Parkway Drive mula April 26 hanggang 30.
“Plastic barriers will be placed in the affected areas,” pahayag ni Miro.
From April 26 to 30, ang mga dadalo sa ASEAN Summit ay inaasahang babagtas sa mga daanan sa Pasay, Manila and Makati
Itinalaga rin ang Cultural Center of the Philippines complex sa Pasay City bilang ASEAN delegates zone. Isasara ang mga daanan sa lugar na iyon.
Ilan sa mga pangunahing daanan ang isasara rin kapag nagsimula nang dumaan ang leaders mula sa ibang bansa at muling bubuksan kung nakalagpas na ang kanilang sasakyan. (Anna Liza Villas-Alavaren)