Tribute sa mga yaya ang “Our Mighty Yaya” na Mother’s Day offering ng Regal Entertainment. Showing ito on May 10 sa mga sinehan nationwide.
Si Jose Javier Reyes ang director na aniya, hango sa true story ng dati niyang yaya ang pelikulang pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas. Kuwento niya sa presscon ng “Our Mighty Yaya,” noong umalis ang kanyang yaya, matagal bago sila nagkitang muli. Nabalitaan niyang may sakit ito at hiling nito na bago man lamang ito mamatay ay magkita sila.
Ipinahanap ni direk Joey ang dati niyang yaya at mixed emotions siya noong nagkita sila. Masaya siya dahil nagkita sila. Malungkot siya dahil bilang na ang mga araw nito. Nevertheless, maraming good memories si direk Joey sa dati niyang yaya at ito ang naging inspirasyon niya para gumawa ng pelikula tungkol sa mga yaya.
Overload sa bago at fresh na katatawanan, kabaliwan at kasiyahan ang hatid ng “Our Mighty Yaya.” Kumpletos rekados na saktong-sakto ang mga pasabog na kaligayahan ngayong Mother’s Day.
Ninakawan
Sa presscon ng “Our Mighty Yaya,” naikuwento rin ni direk Joey Reyes ang dati niyang driver. Twelve years itong nanilbihan sa kanya at sobrang pinagkatiwalaan.
Ultimo pagdedeposit sa bangko ng kanyang pera’y ipinagkatiwala niya rito. Lingid sa kaalaman niya, nagaya nito ang kanyang pirma, kaya nakakapag-withdraw ito without his authorization.
Noong natuklasan niyang ninanakawan pala siya ng kanyang driver ay pinalayas niya ito. Ani direk nagkaroon siya ng separation anxiety. Hindi niya matanggap na ang taong nanilbihan sa kanya for 12 years at sobrang pinagkatiwalaan niya’y pinagsamantalahan pa siya.
Deadma
Pasok sana si Aubrey Miles sa “Encantadia” sa isang mahalagang role. Pero pinili niyang magbakasyon sa Palawan. Ang daming artista ang naghahangad mag-guest sa naturang fantaserye. Pero si Aubrey, dinedma lang ang alok ng GMA.
Mga bagong pasok na karakter sa “Encantadia” sina Jinri Park bilang Juvila at Sheree bilang Odessa. Bagong kalaban sila ng mga sang’gre.
Papasok din ang child star na si Mona Louise Rey bilang batang Cassandra na nilikha ni Cassiopea (Solenn Heussaff) mula sa hibla ng buhok ni Lira (Mikee Quintos). Paglaki niya’y gagampanan naman ni Ella Cruz.
Asahang may mga papasok pang mga bagong karakter hanggang sa pagtatapos ng “Encantadia” next month. Or baka ma-extend pa ito muli. Abangan.