Masama sa kalusugan ang paulit-ulit na paggamit ng mantika. Ito ang babala sa publiko ni Department of Health spokesperson Eric Tayag kahapon.
“Ang cooking oil pwede mo naman gamitin ‘yun ng ilang beses. Halimbawa may pinaglutuan,pinagprituhan ka, sayang naman kung itapon. Ang masama itim na itim na ang cooking oil, sunog pa ang pagkakaluto,” pahayag ni Tayag.
Maaaring mabuhay ang bacteria sa ganoonog estado ng cooking oil, ani Tayag..
“’Yon ay maaring makasama dahil ‘pag tumatagal nagiging medium sa growth ng bacteria at ‘tsaka may chemical substance na makasasama sa ating kalusugan,” paliwanag niya.
Maraming sakit ang maaring idulot ng paulit-ulit na gamit ng cooking oil, kasama rito ang cancer.
“Una pwede masiraan tiyan. isipin na lang langis na maitim masama sa pagkain n’yo. Sa pagkain, una hindi na masarap pagkain, pangalawa madaling masira ang pagkain. Pangatlo, masisiran kayo ng tiyan, at pwede kayo magka-cancer dahil patuloy na iniinit ‘yong mantika,” dagdag pa ni Tayag. (Charina Clarisse L. Echaluce)