Na-recover ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga bangkay ng apat na lalaking nalunod sa Pangasinan at Navotas City nitong Sabado at Linggo.
Nakuha noong Sabado ang labi ng isang lalaki na nag-drive sa Agno River Irrigation sa Barangay Calepaan, Asingan, Pangasinan, habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan.
Kinilala ng authorities ang biktima na si Edgar Nepalis Sr., 46. Base sa investigation, nakikipag-inuman si Nepalis sa apat na kaibigan nang bigla itong tumalong sa tubig.
Hindi na lumitaw sa tubig si Nepalis matapos ang ilang minuto, kung kaya’t humingi ng tulong ang kaniyang mga kasama sa awtoridad.
Nagsagawa ng search and rescue operation ang local PCG personnel na siyang nakakita sa bangkay ng biktima halos tatlong kilometro ang layo mula sa drowning site.
Sa Navotas City, na-recover noong Linggo ang mga labi ng tatlong lalaki na nalunod habang lumalangoy sa dagat malapit sa Dulong Pulo, Barangay Tanza, Navotas City.
Ayon sa awtoridad, dinala ng malalaking alon ang mga biktima na nakilalang sina Ronnie Verano, 21; Jake Mariscal, 21; at Jomar Mariscal, 12. (Betheena Kae Unite)