Balak ng transportation officials na mas higpitan ang pagpapatupad ng government order na nagbabawal sa mga bus na edad 15 pataas na pumasada.
Matapos ang fatal bus accidents sa Tanay, Rizal noong February, at sa Carranglan, Nueva Ecija, noong isang lingo, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra III na nire-review nila ang Department of Transportation and Communications (DoTC) order na nag-uutos ng pag-phaseout ng mga bus na 15 taon na mula sa date of manufacture.
Inilabas ng DoTC noong August 2002 ang DO 2002-30 para gawing moderno ang public transport at maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente dahil sa mga matatanda at kakarag-karag na sasakyan.
Sa isang press conference noong Lunes, sinabi ni Delgra na nadiskubre nila ang ilang isyu sa pagpapatupad ng DoTC order na nagresulta sa mga hindi inaaasahang pangyayari. (Vanne Elaine P. Terrazola)