Si Ms. Gloria Romero ang female counterpart ni Mr. Eddie Garcia. Parehas silang 80 something ang edad, aktibo pa sa showbiz at hindi nababakante sa trabaho.
Nakakabilib ang kanilang lakas sa edad nila ngayon. Kung si Mr. Eddie ay sangkatutak na vitamins ang iniinom, Vitamin C ang kadalasang iniinom ni Ms. Gloria. Wala raw siyang iniinom na maintenance kundi gamut lang sa kanyang vertigo.
Dalawa ang show ni Ms. Gloria sa GMA7, “Meant to Be” at “Daig Kayo ng Lola Ko” na mapapanood simula April 30.
She plays lola Goreng, narrator ng kid-friendly, family-oriented show at mga apo niya sina Jillian Ward (as Alice) at David Remo (as Elvis). Kasama rin ang child stars na sina Chlaui Malayao at Julius Miguel.
Ani Ms. Gloria, flattered siya na kinuha siya sa ganitong klaseng concept ng show. “Who would have thought that at my age (83 years old), I will play a role of a fairy? It’s nice because light lang ‘yung ginagawa namin. Ang cute. Nag-e-enjoy ako.”
Puring-puri niya ang mga batang kasama niya sa DKNLK na magagaling at nakikita niya ang passion sa akting ng mga ito.
Minsan nga raw ay nahihiya siya dahil madalas siyang magkamali. “Sila, they can deliver their dialogues right away.
Alam agad nila ‘yung lines nila. They come to the set prepared,” ani Ms. Gloria.
Hindi isyu
Hindi isyu kay Rhian Ramos kung kontrabida role siya sa “My Love from the Star” na si Jennylyn Mercado ang bida. Nagbida na si Rhian sa ilang GMA series.
Ani Rhian, hindi siya choosy sa role na ibinibigay sa kanya. Ang mahalaga’y kung paanong atake ang ginagawa niya. Sa MLFTS, siya ang number 1 rival ni Jennylyn.
Enjoy daw siya sa mga eksenang nag-aaway sila. Nagkakatuwaan pa sila sa set at nagpapatalbugan sila sa pag-aaway kung sino sa kanila ang mas mataray sa eksena.
Nabuo nga ang #Team Bessie na caption ni Rhian sa post niya sa social media ng in-character pictures nila ni Jen.
Ang baguhang si Gil Cuerva ang leading man ni Jen sa MLFTS at gaganap ito bilang Matteo Do. Inaabangan ang portrayal ni Gil sa iconic role na ‘yun.
Napabilib ni Gil si Gabby Eigenmann na kasama sa MLFTS na ani Gabby, nakikita niya ang pagsisikap ni Gil sa bawat eksena.