Iprinisenta ng Manila Police District (MPD) sa media ang mga taong naaresto nang paigtingin ang anti-criminality campaign para masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Manila.
“The sole purpose of this event is for the ASEAN Summit security which already started today. That is entirely for that.
Although hindi naman s’ya naputol, on-going pa rin s’ya,” ayon kay Supt. Marissa Bruno, MPD spokesperson. Personal na iprinisenta ni MPD chief Senior Supt. Joel Napoleon Coronel ang ilang naarestong personalidad kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Supt. Oscar Albayalde, kahapon sa MPD Headquarters sa Ermita, Manila.
Sinabi ni Coronel na ilang araw bago ang ASEAN Summit, nakapagsagawa ang MPD ng 61 police operations na nagresulta sa pagkakadakip ng 169 katao na lumabag sa iba’t ibang city ordinances.
Kasama sa bilang na ito ang mga naaresto dahil sa drugs, theft, at robbery charges. (Analou De Vera)