Tinanggap ng 34 na preso ang kanilang degrees at certificates mula sa extension school sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.
Ibinigay sa graduates ang kanilang diploma sa isinagawang 27th commencement exercises of the University of Perpetual Help Bilibid Extension School sa NBP Medium Security Compound.
Si Justice Undersecretary Reynante Orceo ang nag-deliver ng commencement address sa 17 student-prisoners na nakatapos ng Bachelor of Science in Entrepreneurship and 17 iba pa na nagtapos ng Computer Hardware Servicing Course.
Dumalo sa graduation rites sina University President Anthony Tamayo, Vice Chair Dr. Daisy Tamayo, at mga representatives ng Bureau of Corrections at Department of Justice.
Ang 17 prisoners na nakatapos ng Entrepreneurship course ay sina Joey Ampunan, Charles Winter Barrit, Victoriano Canilang, Jackson Danglay, Ronnie Fortuno Jr., Benigno Guimba, Jessie Iligan, Isidro Lagumbay Jr., Alvin Nieva, Bernard Gregory Nolan, Jhudy Quibral, Noel Quimson, Richard Rubio, Joseph Teneza, Rey Gregorio Teodoro, Pedro Villarin Jr. at Romy Watin.
Ang mga tumanggap ng Computer Hardware Servicing certificates ay sina Christopher Antig, Patrick Arranchado, Oscar Bonifacio, Daniel Bordal Jr., Roberto Buenafrancisca Jr., Ricardo Cabales, Jardine Rex Canales, Mark Anthony CaƱete, Arnel Carandang, Joselito Chua, Joselito De Castro, Samuel Francisco, Roderick Hernandez, Ryan James Lamadrid, Ivan Orencio, Raychael Tolentino at Alvin Velasquez.
Mahigit sa 500 prisoners na ang nakapagtapos sa UPHSD Bilibid Extension simula 1985. (Jonathan Hicap)