Isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang madamong bakanteng lote sa Taguig City, Martes ng gabi.
Ayon kay Southern Police District (SPD) spokesperson Supt. Jenny Tecson, inilarawan ng Taguig police ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa 30 to 35 years old, payat, nakasuot ng white sando shirt at blue short pants.
Base sa police report, nakita ang bangkay ng biktima na tadtad bala dakong 10 p.m. sa DBP Avenue corner East Service Road, Barangay Western Bicutan, Taguig.
Naniniwala ang police na pinatay ang biktima sa ibang lugar bago ito itinapon sa bakanteng lote. (Jean Fernando)