Ang pagkuha sa 60 vagrants mula sa mga kalye ng Manila simula noong Lunes ay bahagi ng layunin ng city government na mailigtas ang mga street dwellers, at hindi para itago sila sa mga delegado ng 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na ginaganap ngayon sa bansa, ayon sa Manila social welfare office.
“Long before this ASEAN meeting, we’ve been conducting daily rescue operations,” paliwanag ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) Nanet Tanyag.
“This has nothing to do with it. Mayor (Joseph) Estrada simply wants to help those people,” dagdag pa niya.
(Jaimie Rose R. Aberia)