Pagkatapos ng higit na labing-limang taon, muling nagbabalik ang gay comedian na si John “Sweet” Lapus sa kanyang theater roots na Teatro Tomasino ng University of Santo Tomas para lumabas sa bagong production nila ng “Kapitan Sino” ng nobelistang si Bob Ong.
Gaganap si Sweet bilang si Mayor Suico sa stage adaptation nito by Cyrene Mendoza at mula sa direksyon ni Franny Omampo.
Ang “Kapitan Sino” ay kuwento ni Rogelio na nagkaroon bigla ng kakaibang superpower para makatulong sa mara-ming tao.
Pero sa kabila ng kanyang kakaibang lakas ay ang sakripisyo na kanyang gagawin para sa kanyang pamil-ya at ang pakikipaglaban niya sa mga nananamantala ng kanyang kapangyarihan.
Itatanghal ito on May 3 to 6, 2017 at the Albertus Magnus Auditorium, UST.
Habang wala namang pinagkakaabalahan na teleserye si Sweet ay muli siyang nakabalik sa pag-arte sa teatro.
“This is the second major production of Teatro Tomasino for our 39th year kaya dapat pasa-bog in time for our 40th year next school year.
“That’s why I decided to return to the UST stage after 15 years.
“Sa 40th naman namin, I will direk our stand-up comedy ‘Darna, Dyesebel at Iba Pa’ na ginagawa namin every 10 years.
“Hopefully bumalik din sa Teatro Tomasino ang mga kapwa ko honorary members like Piolo Pascual, Arnold Clavio, Michael ‘Eagle’ Riggs at ‘yung iba pa na mga directors na at mga executives sa mga TV networks.
“Siyempre lahat kami dito nagsimula kaya we owe Teatro Tomasino big time.
“Maski mga professionals na like teachers, lawyers at doctors na members ng Teatro Tomasino noong mga students pa sila will return on our 40th year. Exciting talaga,” pahayag pa ni Sweet.
Kasalukuyang napapanood si Sweet sa “Wansapanataym Presents Anikka Pintasera” sa ABS-CBN 2 kunsaan bida si Julia Montes. (Ruel J. Mendoza)