TUBOD, Lanao del Norte – Kailangang malaman ng taong bayan at nang mga kabataan ang kahalagahan ng Association of Southeast Asian Nations kun ASEAN.
Ito ang pahayag ni Philippine Information Agency Director General Harold Clavite sa harap ng ibat-ibang sector na dumalo sa isinasagawang forum hinggil sa ASEAN.
Sinabi ni Clavite na halos silang lahat na nasa gobyerno lalong lalo na sa kanilang ahensya ay nagnanais na mapaabot sa publiko ang hangarin ng pagkakaisa ng ibat-ibang bansa sa ASEAN.
Isa sa magandang hakbang umano ang ginawang forum noong isang araw sa Baroy at Tubod, Lnao del Norte sapagkat sa pinakamababang antas ng gobyerno nila ipinaabot ang hangarin ng ASEAN.
Naniniwala si Clavite na mas aangat ang ekonomiya at dadami ang maraming may trabaho sa bansa sa pakikipagtulongan ng ibat-ibang bansa na nasa ASEAN.
Maswerte umano ang Pilipinas na naging host ng ASEAN Summit ngayong taon dahil akma din ang ika-50 na taon na pagkatatag nito.