Nagpakita ng kanilang husay sa pagbirit ang new breed of “biriteras” na sina Morisette at Tanya Manalang sa press launch ng kanilang gagawing show sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila na Platinum: World’s Favorite Hit Songs Live! on May 6.
Inawit ni Morisette ang “Narito Ako”, samantalang si Tanya ay inawit ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin”. Nag-duet naman sila sa awiting “Ikaw Ang Lahat Sa Akin”.
Patikim lang iyang mga mapapanood sa dalawa sa kanilang vocal showdown on May 6.
May mga payo sila Morisette at Tanya sa mga gustong matutong bumirit na tulad nila. Una ay ang uminom ng maraming tubig at pangalawa ay ang mag-vocal exercise.
Umiwas din daw sa puyat at kailangan may tamang oras ng tulog para hindi maapektuhan ang boses.
Kapwa trained singers sina Morisette at Tanya noong bata pa lang sila, kaya alam nila kung paano alagaan ang kanilang mga boses.
Si Morisette ay taga-Cebu at una siyang lumabas sa reality-artista search na Star Factory ng TV5. Noong 2013 ay sumali siya sa The Voice Philippines.
Si Tanya naman ay produktong musical theater. Lumabas siya sa mga musicals na Godspell, The Sound of Music and The King and I. In 2014 ay siya ang alternate na Kim sa internationally renowned musical na Miss Saigon sa West End London kunsaan kasama niya sa cast sina Rachelle Anne Go at ang Fil-Am singer nasi Eva Noblezado bilang Kim.
Kapwa naniniwala sina Morisette at Tanya na pinakamahirap na ma-please na audience ay “Mas mahirap sila i-please kasi the Filipino audience has a different kind of ear dahil maraming kumakanta dito.
“So talagang they are very particular, which is good because it challenges me to be better,” seyni Tanya.
Dagdag naman ni Morissette: “Kasi hindi ko lang kakantahin ’yung mga songs na I already know but I will also have the chance to sings ’yung mga world hits na alam ng audience. Para maka-relate naman maka-relate din sila.”
Special guest sa kanilang concert ay ang OPM president, singer-songwriter and actor nasi Ogie Alcasid.
(Ruel J. Mendoza)