Mahigpit nang ipinagbabawal ang pagparada ng mga sasakyan sa harap ng churches, hospitals, schools, at malapit sa fire hydrants sa Manila, ayon kay Mayor Joseph Estrada.
Ipinag-utos ni Estrada sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na mahigpit na ipatupad ang bagong patakaran para magsilbing lesson sa mga iresponsableng vehicle owners.
“All vehicles we see parked or blocking the entrances and exits of schools, churches, and hospitals and of course those blocking access to fire hydrants will be towed away immediately,” pahayag ng Manila.
Sinabi ni Estrada na ang pagpa-park malapit sa fire hydrants ay mapanganib dahil pinipigilan nito ang mabilisang pagresponde ng firefighters sa fire incidents.
“Leaving free and clear access to a fire hydrant minimizes the time required to respond to a fire. The first priority for fire fighters is the protection of human life,” paliwanag ni Estrada.
Maglalagay ang MTPB ng “No Parking” signs sa palibot ng schools, hospitals, bahay sambahan, at sa bawat fire hydrant sa lungsod, ayon kay MTPB chief Dennis Alcoreza. (Jaimie Rose R. Aberia)