Limampung katao ang inaresto ng members ng Manila Development Authority (MMDA) anti-jaywalking unit sa isinagawang operasyon laban sa mga pedestrians na lumabag sa anti-jaywalking law sa Baclaran, Parañaque City, kahapon ng umaga.
Ikinatuwa ng Parañaque city government ang hakbang ng MMDA laban sa mga jaywalkers sa Roxas Boulevard, Baclaran, Parañaque City.
Napansin ng city government na marami pa ring pedestrians at drivers ng bus at jeepeney ang hindi sumusunod sa mga signages nagbibigay ng direksyon kung saan dapat magsakay at magbaba ng pasahero.
Ayon kay Ding Soriano, city administrator, ang hindi pagsunod sa mga traffic signages ay karaniwang sanhi ng aksidente sa daan.
Isinagawa ng MMDA anti-jaywalking unit ang kanilang operation laban sa mga pasaway na pedestrian dakong 10 a.m. sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Paranaque City.
Ang mga nadakip na pedestrians ay binigyan ng tickets para sa R500 fine habang ang ibang hindi makababayad ng multa ay bibigyan ng schedule para magsagawa ng tatlong oras na community service sa Baclaran. (Jean Fernando)