STO. TOMAS, BATANGAS (PIA) – Nakapagtala ng 4.8% paglago ng ekonomiya ang rehiyon ng CALABARZON sa taong 2016, mas mababa sa 5.8% na naitalang paglago noong 2015.
Ito ang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) IVA-CALABARZON Regional Director Charito Armonia sa isinagawang 2016 Report on the Regional Economy News Conference na ginanap sa NDN Grand Hotel, Sto. Tomas, Batangas noong Mayo 4.
Tatlong sektor ang pinagbabatayan ng paglago ng ekonomiya kabi-lang ang sumusunod: Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing na may 5.5%; Industry sector na may pinakamalaking bahagi sa paglago na umabot sa 61.4% at ang Services sector na may 33.2%.
Bagamat pinakamalaking bahagdan ay mula sa industry sector, malaking bahagi ng sub-industry nito tulad ng manufacturing, construction at mining and quarrying kung saan kapuna-puna ang pagbaba ng paglago sa taong 2016 kung ikukumpara sa taong 2015. Isa sa nakikitang dahilan dito ay ang mga election ban na naranasan lalo na at may mga limitasyon lalo na sa construction sector.
Ngunit sa kabila nito malaki at mabilis ang pagtaas ng Electricity, Gas at Water Supply (EGWS) sub-industry na may 7.5% kumpara sa 6.8% na paglago noong 2015.