KAHIT may mga pangalan na’t napatunayan na sa larangan ng mahusay na pagganap sa pelikula, walang anuman para kela Ara Mina at Rosanna Roces ang sumuporta para sa newcomer na si Kevin Poblacion.
May launching indie film si Kevin entitled “Adik” mula sa BJP Productions, written and directed by Neal “Buboy” Tan, na beterano na rin sa paggawa ng independent films.
Napapanahon at makabuluhan ang tema ng pelikulang tungkol sa droga, kung kaya’t hindi nagdalawang isip sina Ara at Osang na tanggapin ang offer sa kanila ng line producer na si Eddie Littlefield, na kasamahan rin sa entertainment press.
“Marunong ring tumanaw ng utang na loob sina Ara at Osang,” sabi ni Direk Neal na noong mga panahong nagsisimula pa lang sa pelikula ang dalawang aktres ay nai-direk na rin niya ang mga ito.
“Walang mga reklamo sa set sina Ara at Osang, kahit alam nilang indie lang ang production namin. At kahit na baguhan lang ang bida, sumuporta pa rin sila,” dagdag ni Direk Neal.
Wala naming pagsidlan ng kasiyahan at excitement si Kevin dahil sa kanyang launching movie na may premiere night sa May 6 (Sabado) sa SM Cinema sa Iloilo City .
Sa Iloilo ang premiere dahil ang Dinagyang Festival ng nasabing probinsiya ay may malaking bahagi ng kuwento ng “Adik”.
“Hindi kasi ako drug addict, pero nag-prepare ako for my role sa panonood ng mga documentaries about drug addiction.
Ang alam ko lang dati, para lang silang mga baliw. But now I know addicts, more or less, have problems,” sabi ng baguhang si Kevin na gumaganap na balikbayan na na-involve sa droga matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang.
Kasama rin sa cast ng “Adik” sina Michelle Thomas, Liz Alindogan, Eagle Riggs, Jet Alcantara, Gino Ilustre, Cynthia Cole, Miggy Campbell, Daniel Joseph Cruz, Jettro Decastro, at Angelo Bersola. (MELL T. NAVARRO)