Malaki ang naitulong kay Sanya Lopez ng pagganap niya bilang Danaya sa “Encantadia.” Aniya nang nakausap namin sa thanksgiving concert ng cast sa Agila Theater grounds sa Enchanted Kingdom (EK), sobrang blessed siya. “Before Enca, sino ba ako? Walang pumapansin sa akin,” mangilid-ngilid ang luhang sabi ni Sanya. “Ngayon, kapag nagpupunta ako sa mall, nakikilala na ako. Tinatawag akong Danaya.”
Dahil sa “Encantadia” at ibang karaketan ay nakaipon si Sanya ng pambili ng kotse. By next month ay bibili na siya.
Ten months sa ere ang “Encantadia” at matatapos na ito on May 19. Wish ni Sanya na bigyan siya ng GMA ng panibagong project na kasingganda rin ng role niya sa naturang fantaserye.
Wish din niyang makatrabaho muli si Rocco Nacino who plays Aquil sa “Encantadia.” Abangan daw kung ano’ng mangyayari sa karakters nila sa pagtatapos nito.
Pinakilig nina Rocco at Sanya ang audience noong thanksgiving concert nila sa EK. Bukod sa hug, kiniss pa ni Rocco si Sanya sa cheeks.
Ang Pinoy audience naman sa Vancouver, Canada ang pakikiligin nila sa show nila roon on May 12. First time ni Sanya makapunta roon.
Proud
Hindi pa rin naipapakilala ni Inah de Belen sa kanyang papa John Estrada si Jake Vargas. Sa kanyang mama Janice de Belen pa lang niya ito naipakilala. Busy-bisihan pa raw kasi ang kanyang papa. Nababanggit lang niya rito si Jake.
Wala naman daw itong violent reaction.
Inah plays Deshna/Luna in “Encantadia” na aniya, proud siya na bahagi siya nito.
Wala pa siyang next project after “Encantadia.” Magbabakasyon muna siya sa Boracay. Kasama niya si Jake and his family. Magsisilbing bonding moments ‘yun para makilala niya and vice-versa ang pamilya ng kanyang boyfriend. “I think, they like me naman,” she said.
Dream come true
Dream come true kay Bianca Umali na makapag-costume siya bilang Lawiswis sa “Mulawin Vs. Ravena.” Aniya, noong bata pa siya’y nagko-costume siya ng Mulawin kapag Halloween. Si Alwina ang favorite character niya.
“Naiyak ako noong isama ako sa cast ng “Mulawin Vs. Ravena.” Dati, nagko-costume lang ako. Ngayon, bahagi na ako ng fantaserye,” ani Bianca nang nakausap namin sa Enchanted Kingdom.
Naka-costume siya bilang Lawiswis na kita ang kanyang cleavage. Si Miguel Tanfelix ang kapareha niya na gaganap bilang Pagaspas.