One-hundred twenty families ang nawalan ng tahanan sa sunog Wednesday night sa Sampaguita St., Barangay 197, Zone 20, Pasay City.
Ayon kay Pasay Bureau of Fire Protection Fire Marshall Supt. Carlos Duenas, nagsimula ang sunog sa bahay na pagmamayari ni Willie Albersado na tinutuluyan ni Elena Padasas bago mag-8 p.m.
Agad na kumalat ang apoy sa 80 bahay na gawa sa light materials. Naapula ang sunog pasado 2 p.m. Tinatayang R150,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.
Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog. Sinabi ng isang residente na nakarinig siya ng malakas na pagsabog at nakakita ng makapal na usok bago kumalat ang apoy sa mga kabahayan.
Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa basketball court ng barangay at nagpadala na ng tulong ang city government sa mga biktima. (Jean Fernando)