Tinatayang P500,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na tumama sa anim na commercial establishments sa Caloocan City Friday night.
Ayon sa Bureau of Fire and Protection Caloocan, nagsimula ang sunog sa San Miguel St., Barangay 2, Sangandaan sa isang salon pasado 8:30 p.m.
Sinabi ng mga saksi na naiwan umano ng may ari ang kanyang nilulutong pagkain ilang minuto bago nagsimula ang sunog.
Agad na kumalat ang apoy sa mga katabing establishments na gawa sa light materials. Umabot sa third alarm ang sunog bago ito naapula bago mag-10 p.m.
Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog. Kaagad namang binisita ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang lugar matapos ang sunog.
Inaalam na ng fire investigators ang tunay na sanhi ng sunog. Kabilang sa mga natupok na business establishments ay tindahan ng Gasul o Liquefied Petroleum Gas. (Jel Santos)