“Minsan akala natin nami-miss natin ang tao at gusto nating balikan,” I began my advice to a netizen who wanted to rekindle romance with an ex.’’
Ginawa na raw niya ang lahat: text, email, at sulat. Pero ayaw pa rin siyang pansinin.
While we can’t be certain of the reasons why it didn’t work out between the concerned reader and his ex, here’s a general advice:
“Minsan, nami-miss lang natin ang ideya nung tao. Nasanay tayong may kasama tayo sa buhay. Kaya may mga taong ‘in love with love’ but not with the person,” I said.
In love with the “idea,” and not necessarily with the person? Relate much?
Our brain releases oxytocin, na siyang kilala rin bilang “love hormone.” It deals with “bonding.” #SpeaKIMof, it could be the same reason why you are attracted to your ex.
Ngayong wala na siya, mayroon kang kakulangan at hindi balance ang pakiramdam dahil diyan sa oxytocin na ‘yan. Mahirap, pero ‘wag mong pigilan ang pag-alis nila.
Tandaan! Ang mga taong nawawala sa’yo, tapos na ang papel nila.
Hayaan mong ma-empty muna para may space ‘yung susunod, at ‘yung susunod, iyon talaga ang para sa iyo.
Bear in mind this quote from an anonymous author:
“Instead of asking why they left, now I ask, ‘What beauty will I create in the space they no longer occupy?”
* * *
TRIVIA PA MORE
Xavier (@AbsolutelyXavi)
Ano po ang mangyari sa tiyan kapag nakalunok ng papel ilalim ng puto o siopao?
Kim Atienza (@kuyakim_atienza)
Magkakaroon ito ng maliliit na papel sa loob. 🙂
* * *
Edgar @edgarmreyes
Pa’no nalalaman ng aso na ‘yun ‘yung pangalan nila?
Kim Atienza (@kuyakim_atienza)
Pavlovian classical conditioning. Alam nila na hihimasin mo o pakakainin mo sila pag tinawag ang pangalan.
* * *
Watch my full video titled “Kuya Kim on the Real Reason Why You Miss Your Ex” with NoInk on ABS-CBN Lifestyle channel: https://www.youtube.com/watch?v=oF4_bFYBXB0
* * *
May bumabagabag ba sa isipmo? Send in your questions and thoughts for discussion on [email protected]!
* * *
Keep tweeting @kuyakim_atienza.
Lahat aalamin, walang ‘di susuungin. Matanglawin! Want your questions featured? Tweet @kuyakim_atienza now!
(KIM ATIENZA)