SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) – Isinagawa noong Mayo 9 ang turn over ceremony para sa pagtatalaga ng bagong Tamaraw Conservation Program (TCP) Coordinator at Protective Area Superintendent (PASu) sa tanggapan ng TCP sa bayan ng San Jose.
Ayon kay Dally Joy Roca, administrative aide ng Protected Area Office (PAO), itinalaga bilang bagong TCP Coordinator si Ma. Teresita David Jr. Si David ay nagmula sa CENRO (Community Environment and Natural Resources Office) San Jose.
Itinalaga naman bilang bagong PASu si Fe Raguindin na galing CENRO Sablayan.
Ang tanggapan ng TCP ang nangunguna sa pagpapatupad ng programa sa pangangalaga ng Tamaraw na sa isla lamang ng Mindoro matatagpuan. Nais ng tanggapan na muling maiangat ang dami ng mga ito na batay sa pinakahuling bilang ay nasa 401 lamang.
Ang national park sa Mindoro ay tahanan ng mga Tamaraw at iba pang wildlife. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Mindoro climbing rat at Philippine deer para sa mga hayop, Mindoro imperial pigeon at Mindoro scops owl sa mga ibon at kalantas tree at tindalo, ay ilan lamang sa halimbawa ng mga halaman.