Tinatayang nasa 33 Metro Manila policemen ang nakatakdang alisin sa serbisyo bilang bahagi ng internal cleansing program ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi ni Director Oscar Albayalde, NCRPO chief, na karamihan sa mga aalisin ay rookie policemen na tumangging sumailalim sa 45-day retraining program na inilunsad ng Metro Manila police.
“We have already initiated termination procedures against them. Most of them are Police Officers 1 who have this habit of complaining just to make sure that they would not be subjected to retraining,” pahayag ni Albayalde.
Ipnaliwanag ng official na ipinatupad nila kamakailan ang policy na nag-uutos sa lahat ng new recruits na sumailalim sa 45-day mandatory retraining program para maituro sa kanila ang policies at procedures ng PNP. (Aaron B. Recuenco)