Nagbabala si Manila Mayor Joseph Estrada na kakasuhan ang barangay officials na hindi makikipag-cooperate sa isinasagawang kampanya laban sa road obstructions.
“Parating na tayo diyan,” pahayag ni Estrada tungkol sa planong pagsasampa ng kaso sa mga barangay official na mabibigong ipatupad ang batas laban sa illegal parking at lahat ng nakabara sa daanan sa kani-kanilang lugar.
Sinabi ni Dennis Alcoreza, head ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), na nagpadala na sila ng sulat sa 896 barangay chairmen na humihiling ng kanilang tulong at cooperation sa road clearing campaign.
“Napakarami na po naming sinulatang mga barangay chairmen. Sa ngayon po ay dinadaan muna namin sa pakiusapan,” he said.
Inamin ni Alcoreza na hindi kakayanin ng MTPB na bantayan ang bawat kalye at sidewalk laban sa illegal vendors kung kaya’t kailangan nila ang tulong ng barangay officials. (Jaimie Rose R. Aberia)