Ibinahagi ng isa sa “Magandang Buhay” hosts na si Jolina Magdangal ang pinakamalaking sacrifice niya bilang isang ina nang dumating sa buhay nila ng asawang si Mark Escueta ang anak nilang si Pele.
“‘Yung pagiging hands-on ko sa kanya, hindi kasi biro ‘yun e. Parang mas pinili ko na tutukan siya muna. Kumbaga pinipili ko ‘yung mga gagawin ko, ang iniisip ko muna kung para kay Pele, paano ko siya matututukan. Sacrifice sa career, ‘yun talaga. Pero ang nakakatuwa naman, siguro dahil kumbaga nagpe-pray naman ako na makaya ko lahat, maganda naman iyong nabibigay. Tapos naaalagaan ko pa si Pele, nang sabay (sa career ko). So, happy ako sa ganun na nangyayari,” sabi ni Jolina sa Mother’s Day episode ng “Magandang Buhay” noong May 12.
Samantala, masaya rin si Jolina na maayos ang relasyon niya sa parents ng asawa niya. Ikinatuwa nga niya ang special VTR message para sa kanya ng mother-in-law niyang si Mrs. Rockey Escueta. Sabi nito sa video, “Hi, hello to a special person, to a special lady. I would like to greet you a happiest Mother’s Day. You are a flower blooming and still blooming, and continue to bloom all the time. You are a wonderful mother and a wonderful wife. I wish you all the best and happy, happy Mother’s Day! Take care always, okay!”
Kumusta naman ang relationship nila? “Okay, okay na okay din,” sambit ni Jolina. “Si Mark din nakita kung paano niya mahal ‘yung mommy niya, ganun din siya sa akin. Ganun ‘yung nakikita ko. Tapos ang bait ng parents ni Mark.”
Na-touch din si Jolina sa ipinadalang sulat ng kanyang Mommy Paulette. Ayon sa sulat, “My Dear Jolina, I want to congratulate you for being a perfect mother to Pele and a loving wife to Mark. You have a beautiful family and keep it up. Thank you for acknowledging and adapting all the good values that I and Daddy shared with you from your childhood up to now. Because we are far apart now, and we see each other occasionally, I want you to know how I miss you so much. I miss those jolly and playful moments, you are always the center of attention, the laughters, the tears we shared. But at the end of the day you are still my daughter, full of laughter. Now, you have a family of your own, I surely know you are happy and contented in life. Ika nga, wala ka nang hihilingin pa. I love you, and Happy Mother’s Day.”
Nami-miss din daw ni Jolina ang parents niya dahil sa Tagaytay nga naninirahan ang mga ito ngayon para asikasuhin ang kanilang business doon. (Glen P. Sibonga)