KIDAPAWAN, North Cotabato (PIA) – Libu-libong mga pamilya sa mga bayan ng Libungan, Alamada, at Aleosan dito sa lalawigan ang makikinabang na sa iba-ibang natapos na proyektong pang imprastraktura.
Ito ay kinabibilangan ng post-harvest facilities (solar drier with basketball court, ring at stage), hanging bridge, at covered courts na may kabuuang halaga na mahigit R16 milyon.
Sa bayan ng Libungan, magagamit na ng mga residente ng Nicaan at mga kalapit na barangay ng Kiloyao, Sinapangan, at Kibudacan ang 50 metrong hanging bridge samantalang makapagbibilad na ng libre ng kanilang mga produktong pang-agrikultura ang mga magsasaka ng Malitubog sa Alamada gamit ang bagong solar drier.
Sa kabilang banda, makikinabang sa mga ipinatayong mga covered court ang mga residente sa limang barangay sa Aleosan na kinabibilangan ng Cawilihan, Upper Mingading, Malapang, Tomado, at San Mateo.