Kapuso pa rin si Mikael Daez. Kamakailan ay muli siyang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA7. Nagpapasalamat siya sa patuloy na pagtitiwala ng Kapuso Network, kaya naman aniya, mas lalo siyang na-inspire pagbutihin ang kanyang trabaho.
Nakikita naman ng big bosses ng GMA7 ang sipag, dedication at pagmamahal ni Mikael sa kanyang craft. Talagang kinakarir niya ang bawat role sa ibinibigay na proyekto sa kanya.
Tulad sa karakter niya sa “Legally Blind” bilang Edward. Acting-wise, ang laki ng improvement ni Mikael.
Nakikipagsabayan siya sa co-stars niyang sina Janine Gutierrez, Marc Abaya, Lauren Young, Chanda Romero, atbpa.
Napapabilib ni Mikael ang “Legally Blind” viewers sa kanyang performance sa mga mabibigat at seryosong eksena. Maayos at makatotohanang naitatawid niya ang mga ‘yun.
Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Legally Blind.” Patuloy ang panloloko ni William (Marc Abaya) sa kapatid niyang si Edward. Pinapainom niya ito ng gamot na lalong nagpapalala sa kundisyon ng karamdaman nito.
Sobrang galit naman ni Charie (Lauren Young) sa kapatid niyang si Grace (Janine G.) dahil sa inggit at insecurity.