Para mapanatali ang komunikasyon sa Muslim sector sa Manila, magtatalaga si Mayor Joseph Estrada ng isang adviser at ng Muslim Affairs Office sa city hall.
Naatasan si Golden Mosque head administrator Hajji Moh’d Ersad Mali na magbigay ng update sa Office of the Mayor ukol sa mga issues at concerns na may kinalaman sa Muslim communities sa lungsod. Tatanggap siya ng R1 honorary salary kada taon.
Sa ginanap na peace building forum sa city hall, sinabi ni Estrada sa Muslim community at religious leaders na paiigtingin ng Manila Police District (MPD) ang kampanya laban sa criminals na nagsisilbing banta sa kapayapaan at kaayusan sa Quiapo, lalo na sa Islamic Center, matapos ang magkakasunod na pagsabog na ikinamatay dalawa katao at ikinasugat ng 19 iba pa.
“Please be assured there will be no discrimination,” pahayag ni Estrada sa Muslim leaders at community representatives. “We are not targeting any specific ethnic or cultural group. Mga kriminal ang ating tinutugis, and our Manila police have every intention of abiding by the rules of procedure when doing their jobs,” dagdag pa niya. (Jaimie Rose R. Aberia)