Itinalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang unang National Army Reserve Engineering Brigade na bibigyan ng mahalagang gawain sa oras ng major disaster or giyera sa bansa.
Magsisilbi ang MMDA bilang Engineering Combat Support Unit, ayon sa Philippine Army na siyang nagbigay ng title na inaprobahan ni President Duterte matapos mapag-aralan ang documents at qualifications para maging bahagi ng military organization.
Sinabi ni MMDA Officer- in-Charge Tim Orbos na dahil sa bagong titulo, ima-maximize ng ahensiya ang resources at mga tauhan nito para tumulong sa oras ng sakuna at kalamidad.
“It is an honor to be named and get this title. We owe it to the public that we serve to get immediate response especially in emergency cases,” Orbos said. (Anna Liza Villas-Alavaren)