Dinumog ng maraming fans and supporters sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschener, Addy Raj at Ken Chan sa kanilang mall show kamakailan sa Robinson’s Place Angeles.
Tinatayang 29,000 katao ang sumugod sa ginanap na mall show ng limang Kapuso stars ng “Meant to Be” kasama ang ibang cast members. Record-breaking ‘yun na biggest crowd ever, ayon sa management ng naturang mall.
Walang humpay na tilian at sigawan ang fans kapag lumalabas sa stage ang MTB stars, kaya naman wagas ang kanilang performances. Kita at dama nila ang sobrang appreciation ng crowd sa nakabibinging sigawan at palakpakan ng mga ito.
Malapit nang ilabas sa market ang official MTB merchandise. Abang-abang na lang sa announcement kung saan mabibili ang limited edition ng #Team Yuan, #Team Ethan, #Team Andoy, #Team Jai at #Team Billie shirts.
Guessing game kung sino sa apat na “manliligaw” ni Billie ang sasagutin niya sa MTB series nila. May tsikang off-camera ay si Jak ang nanligaw kay Barbie at diumano, may namamagitan nang “something” between them.
Inimbita pa ng mommy ni Barbie si Jak sa isang family dinner nila recently. Si Jak na ba ang ipinalit ni Barbie sa ex-boyfriend niyang si Kiko Estrada?