Police arrested on Friday one of four persons who robbed a police officer inside a passenger bus in Pasay City last Monday.
Kinilala ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Pasay police investigation unit, ang suspect na si Junel Victorino, 18, residente ng I. Santos St., Malibay, Pasay.
Inaresto si Victorino ng Malibay Police Community Precinct habang naglalakad sa E. Rodriguez St., Pasay dahil sa paglabag sa city ordinance na ipinagbabawal ang walang suot na pang-itaas sa public places.
Dinala sa police station si Victorino at napagalamang isa siya sa mga apat na lalaking nang-holdup kay Insp. Paul Kenneth Magan, 23, nakatalaga sa Philippine National Police headquarters in Camp Crame, Quezon City sa loob ng bus sa Malibay St.
Victorino was positively identified by the victim as one of those who robbed him. Itinanggi ni Victorino na sangkot siya sa naganap na holdup pero inamin niya na kaibigan niya ang mga iba pang suspect na sina Norman Deyta, 20; Edgar Binayug, 21; and Wendel Padilla, 17.
Lalong nadiin si Victorino ng makitang suot niya ang police bull ring ng biktima. Depensa ni Victorino ibinigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang singsing ng biktima. Narecover sa suspect ang balisong o fan knife.
(Martin A. Sadongdong)