LUCENA CITY, Quezon (PIA) – Umabot sa P 15M na mga proyektong pangkaunlaran ang naipatupad ng Team Energy Corporation at ng pitong mga lokal na pamahalaan sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Energy Regulation 94 o ER-94.
Kabilang sa mga bayan na nagpursige sa pagpapatupad ng proyekto at nabibiyaan ng mga ito ay ang mga bayan ng Agdangan, Candelaria, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Padre Burgos at Pitogo, Quezon.
Ayon sa Team Energy Corporation ang ER-94 ay isang probisyon kung saan kinakailangang magbigay ang mga power generation facility ng one centavo per kilowatt hour ng kanilang electricity sales.
Kabilang naman sa mga proyektong natapos ay ang installation ng green house at disaster risk reduction and management center at improvement o pagsasaayos ng water supply system.
Naisakatuparan ang mga proyekto sa pagtutulungan ng Team Energy Corporation at ng mga nasabing lokal na pamahalaan.
Ang Team Energy ang kumpanyang nagpapatakbo ng Pagbilao Power Station sa Quezon.