Hindi raw nakikita ni Kaila Estrada na papasukin niya ang pag-aartista katulad ng mga magulang niyang sina Janice de Belen at John Estrada, pati na rin ng kapatid niyang si Inah de Belen.
“I never really saw myself doing that (acting), doing what my parents did. Although I was really exposed to it, I mean lahat naman kaming magkakapatid we were all very exposed to it kasi minsan sumasama rin kami sa tapings. But I never saw myself being an actress. Yung ngayon fashion is really my biggest interest. That’s why I got into modeling and I really enjoy it,” sabi ni Kaila nang maging guest siya sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay”.
Naka-focus nga si Kaila ngayon sa pagiging isang fashion model sa ilalim ng pamamahala ng Mercator Artist and Model Management Inc. Kabilang din siya sa SM Youth Ambassadors.
Paano ba siya nagsimula sa modeling? “Kasi si Tito Randy Ortiz (fashion designer), good friend siya ng parents ko, and then he asked me if I wanted to try modeling. Sabi ko, ‘Yeah, I’ll try it.’ Tapos ipinasok niya ako sa isang fashion show niya, ’yung 25th anniversary show niya. ’Yun ang first ever professional experience ko as a model.
Sobrang nakaka-intimidate lahat ng models kasi ang tatangkad, tapos ang gagaling. Tapos naka-gown pa kami at saka naka-heels, e nung time na ’yun hindi pa ako sanay mag-heels. So, talagang the day before lakad lang ako nang lakad ng naka-heels sa bahay kasi pinapraktis ko na siya. After nun, the day came na magsu-show na, as in yung nerves talagang kakaiba pag nandoon ka na sa likod ng stage. Tapos isa-isa na silang lumalabas, sobrang nakakakaba. Pero after nun I really like it na.”
Natutuwa nga si Kaila dahil suportado ng kanyang parents ang pagmomodelo niya. Bagama’t noong una raw ay tila hindi gusto ng Daddy John niya ang pagpasok niya rito. “My parents are really supportive about my modeling now. But ’yung dad ko before yung medyo parang, ‘Hmm, parang ayaw ko.’ Siguro kasi modelo siya dati at natatakot siguro siya. Now he’s okay kasi parang na-accept na niya na we’re growing up and that’s something I really want to do. Pero ’yung mom ko, sobrang supportive. Kasi ’yung mom ko naman with whatever, whether school or kung anuman ang gusto naming gawin like hobbies, kung ano ang gusto namin ay susuportahanniyabasta she know’s na passionate kami about it.”
(Glen P. Sibonga)