Nakumpiska sa dalawang pasahero mula China ang 400 units ng bagong Nokia 3310 phone sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA 2).
Ipinahayag ng Bureau of Customs (BoC) kahapon na nagkakahalaga ng P880,000 ang nakumpiskang 400 disassembled units ng Nokia 3310 phones at chargers.
Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang pasahero na sina Lao Alikhan Unos at Hadji Unis Saaduddin Lao, mula sa Guangzhou, China. Dumating sila sa bansa noong May 5.
Sinita sila pagdating nila sa (NAIA) Terminal 2 nang mabigo silang magpresenta ng import documents, kasama na ang permit mula sa National Telecommunications Commission (NTC), para sa kontrabando. (Betheena Kae Unite)