Mga pulis ang magbabantay sa gates ng public elementary at high schools sa unang araw ng klase sa Manila sa June 5.
Ayon kay Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Joel Coronel ang hakbang na ito ay para maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari sa pagbubukas ng klase.
Maglalagay ng Police Assistance Desk (PAD) sa 77 public elementary at high schools sa lungsod. “Our assistance desks will be put up just at the entrances of the schools.
Our men will be there until mag-normalize na ang school year,” sabi ni Coronel. Ang deployment ng police ay gagawin sa pakikipagtulungan ng school authorities at Department of Education (DepEd).
“We are coordinating closely, particularly in our security deployment, ine-expect namin maraming kabataan ang papasok at magdudulot ito ng konting trapik,” pahayag ni Coronel. (Jaimie Rose R. Aberia)