Apat na katao, kabilang ang itinuturing na No. 4 most wanted person, ang nadakip nang magsagawa ang police ng “Oplan Galugad” sa Parañaque at Pateros cities.
Sinabi ni Senior Supt. Jemar Modequillo, Parañaque City police chief, na inaresto ng kaniyang mga tauhan and suspect na si Richard Lulab Mario, 34, carpenter, ng Aratilles II, Mashville, Barangay BF Homes, Parañaque City, sa bisa ng dalawang warrants of arrest para sa kasong rape na isinampa laban sa kaniya.
Samantala, tatlong kalalakihan ang inaresto ng police sa isinagawang “Oplan Galugad” bilang bahagi ng anti-criminality drive sa Barangay Masagana, Sta. Ana, Pateros dakong 9:30 p.m., Huwebes.
Kinilala ang mga nadakip na sina Dennis dela Pena, 22, ang kaniyang kapatid na si Ken, at Joey Macamay.
(Jean Fernando)