Tatlumpung bahay ang natupok sa sunog sa isang residential area sa Tondo, Manila early yesterday morning.
Nagsimula umano ang sunog sa third floor ng bahay ni Pabling del Rosario sa kanto ng Leyte at Laguna Streets.
Kaagad na kumalat ang apoy na tumupok sa 30 mga bahay kung saan nakatira ang 70 families.
Posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog ayon sa Manila Fire Department. Nawalan ng kuryente ang lugar bago naganap ang sunog.
Nahirapang pasukin ng mga bumbero ang lugar dahil sa masikip na kalye at tumulong ang mga residente na apulahin ang sunog na umabot sa third alarm.
Tinatayang R150,000 in properties ang nasira sa sunog na naapula around 3:30 a.m. Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog. (Analou de Vera)