SOBRANG proud at tuwa ng buong cast ng “Encantadia” at production staff dahil bukod sa wagi sa rating ang final episode nito, wagi rin ito bilang Best Visual Effects (Long Form Category) sa katatapos na Apollo Awards 2017 na ginanap sa Singapore.
Sa kanyang social media account, nagpasalamat at nagbigay-pugay sa cast at production team si Ms. Helen Rose Sese, senior program manager. De kalidad naman kasi ang visual effects na pino-prodyus ng GMA. Nakakabilib dahil nagagawa nila ito for a daily series.
Ang award ay nagsilbing regalo sa buong “Encantadia” team dahil bukod sa matagumpay na wakas nito, panalo pa sa international award. Congratulations!
Wish
Ang “Mulawin Vs. Ravena” na kapalit ng “Encantadia” ay kinagigiliwan ding subaybayan ng Kapuso viewers. Impressive rin kasi ang visual effects na hindi malayong pagkalooban din ng award next year ng Apollo Award giving-body.
Dalawa ang kumanta ng theme song na “Ikaw Nga.” Si Regine Velasquez at ang boy band na T.O.P. Unang pinasikat ito ng South Border na kumanta ng theme song ng original version ng “Mulawin” several years ago.
Tumatak ang ganda ng awitin sa isipan ng viewers at wish ng T.O.P. na makanta nila ang “Ikaw Nga” kasama ang South Border sa future gigs nila o kahit sa TV guesting.
Unforgettable
Hindi makakalimutan ni Rodjun Cruz ang overwhelming experience niya kay Dave Moffat, dating member ng The Moffatts, sikat na boy band noong dekada ’90. Sobrang tuwa si Rodjun na naka-duet niya si Dave sa isang event noong dumating ito sa bansa kamakailan.
Tinulungan din ni Rodjun si Dave i-promote ang show nito sa Music Museum. Parehong health buffs sina Rodjun at Dave na isang professional yoga instructor.
Samantala, nakisanib-puwersa na ang karakter ni Rodjun bilang Joel sa “Legally Blind” para matapos na ang kasamaan ni William (Marc Abaya). Nahihirapan sila dahil parating one step ito sa kanila. Hindi nawawalan ng pag-asa si Grace (Janine Gutierrez) para makamit ang hustisya sa ginawang pang-abuso sa kanya ni William.
Hanggang June na lang ang LB at nasi-senti na si Janine. Nag-e-emote na siya. Mami-miss niya raw ang cast na sobrang naging close na sila sa isa’t isa. Masaya sila sa set kahit pagod at pamorningan ang kanilang taping. Big challenge kay Janine ang role niya bilang isang bulag na rape victim.