Wala pa ang programa ng karera para sa weekend races habang isinusulat ko ito ngayong Biernes at bukas lalabas ito. Araw na mismo ng karera – kaya dumako na lamang muna tayo sa mga nakaraang kaganapan.
Nagkadehadohan ng husto sa pakarera ng Santa Ana kahapon.
Ang tanging WTA kahapon covering Races 1 to 8 ay nagbigay ng malaking premyong P2,841,366.80 at ang tanging Pick-6 naman (R3-8) ay may dibidending P182,125.40.
Nagsipanalo rito from Races 1 to 8 ay ang Jade’s Treasure, Magnolia Classic, Sydney Boy, Pearlescence, Tricky Chanlize, El Mundo, Daluyan, at Diamond Away or combinations 3-4-7-5-8-6-4-4.
Ang WTA na ito ay may patong na carry over amount of P1,109,191.80 mula sa nakaraan pakarera sa Naic, Cavite.
Naging masaya ang kanila pakarera ng Santa Ana Park last Sunday sa kanilang pagdaraos ng 14th, Inc. Jockey’s Day Cup/3rd
Jockey’s Foot Race event kung saan nanalo si Jockey E.M. Dancel na leegan si R.R. Camanero.
At Santa Ana pa rin last Sunday (May 28) ang 1st set ng WTA (R1-7) ay nagbigay ng P708.855 at walang tumama sa 2nd set nito kaya nagkaron ito ng Carryover.
Matagumpay na nairaos nila ay Jockey’s Day Cup kaya nais kong isulat ang magandang alalahaning na nagsipanalo rito from Race 1 to 13.
Naririto Cloud Hunter, Faithful Wife, Biglang Buhos, Toinifintynbeyond, Hidden Eagle, Matalinhaga, Thunder Maxx, Gorgeous Chelsea, Kimagure, Melody’s Diamond, Cold Lay Up, Malantik at Hail Storm or combinations 8-1-2-12-1-10-7-3-7-10-7-1-8.
Congrats sa magandang alalahanin ng pagdaraos ng 14th NPJA, Inc. Jockey’s Day Cup!!! So there, See you guys at our favorite Samson’s Billiard and/ or Obet Dela Paz Momay’s Carinderia OTB… Good Luck!! (Johnny Decena)