ILIGAN CITY (PIA) – Mga “Hazardous Materials” at iba pang mapanganib na kagamitan at kemikal ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa patuloy na isinasagawang inspeksyon sa mga sasakyan sa isang checkpoint sa Barangay Suarez, Iligan City.
Ayon kay Senior Superintendent Domingo Tambalo ng Bureau of Fire Protection ng Northern Mindanao, kabilang sa mga nasabat ay ang tone-toneladang mapanganib na kagamitan at kemikal tulad ng ‘Sodium Chloride’ at ‘Sodium Hypochlorite’ na kargamento ng mga malalaking sasakyan.
Ayon kay Tambalo, ang mga kemikal na ito ay nasa listahan ng mga mapanganib na elemento na maaring gamitin upang makabuo ng isang paputok o bomba.