NOONG May 29, 2017 ay eksaktong 50 taon na ang nakakalipas nang magwaging Champion ang Superstar na si Nora Aunor sa original na “Tawag Ng Tanghalan” (May 29, 1967).
Fourteen weeks naging champion si Nora sa nasabing singing competition, at dito naging “tatak-Nora” ang mga awiting “Moonlight Becomes You,” “This Is My Life”, “People”, “The Greatest Performance Of My Life”, at iba pa.
Sa kanyang nagsisimulang singing career, humataw nang husto ang Superstar, selling albums like hotcakes to legions of her loyal fans sa buong bansa.
Karamihan sa kanyang loyal Noranians ay nabighani sa sinasabing “golden voice” ng Superstar.
Kung kaya’t sa golden anniversary ng Nora ngayong taon, wish nito ang maibalik na ang kanyang singing voice, at magka-concert para sa kanyang fans na ilang dekada nang nagmamahal sa kanya.
“Hindi na paos ang boses ni Ate Guy na parang laging madaling hingalin,” say ng aming informant na present sa recent 64th birthday ng aktres sa Century Hall ng Quezon City Circle, organized ng iba’t ibang fan clubs nito.
Out in the open na rin na Ang Dating Daan ang tumutulong sa pagte-therapy sa kanyang boses, at si Kitchie Molina ang voice coach nito.
“Nagpasalamat si Ate Guy sa Ang Dating Daan sa kanyang speech, para sa voice therapy assistance,” say ng source.
Samantala, sa birthday ring ‘yon ni Nora, ipinahayag nitong pahinga muna siya sa paggawa ng indie films ngayong taon.
“Gusto namang harapin ni Ate Guy ang pagte-therapy sa kanyang boses dahil nami-miss na raw niya ang kumanta,” ayon sa source.
“Pero ‘wag daw mag-alala ang fans na walang movie offer. May film offers, kahit na nga indie rin ang iba, pero hindi totoong walang offer.
“Ginawa lang niya ang mga indies nitong previous years dahil gusto niyang pagbigyan ang mga bagong filmmakers na gustong kunin ang services niya (as an actress).”
Just last year (2016), naka-tatlong indie films siyang
tinampukan – ang “Tuos” ni Derick Cabrido for Cinemalaya film festival, ang “Hinulid” ng kapwa niya Bicolanong si Kristian Cordero for QCinema filmfest, at ang “Kabisera” ni Real Florido for MMFF.
Nakaisang mainstream film rin siya last year, ang “Whistleblower” ni Adolfo Alix, Jr., produced ng Unitel
Pictures, released commercially nationwide.
Pero mayroon pa siyang natapos na isa pa ring indie, ang thriller na “Laro” (Role Play) ni Alix na naghihintay lang ng tamang panahon ng pagpapalabas.
Kasama rito ni Nora sina Rosanna Roces, Angeli Bayani, Sebastian Castro, at Martin Del Rosario.
Sa pelikula, 50th anniversary rin ni Nora ngayong October, dahil October 1967 siya naging contract star ng Sampaguita Pictures. (MELL T. NAVARRO)