Iniutos kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ang pagpapataw ng kaukulang pa-rusa laban sa dalawang traffic enforcers na nahuling nakasakay sa motorcycle na walang suot na helmet, isang paglabag sa policy na kanila mismong ipinatutupad.
Kinastigo ni Lim ang MMDA traffic enforcers Armando Lopez at Rodrigo Dayota matapos mag-circulate sa isang social network site ang video ng dalawa na nakasakay sa motorsiklo na walang suot na helmets.
Sinita rin ni Lim and dalawang traffic enforcers sa pabalang na pagsagot nila sa isang motorista na nagtanong kung bakit hindi sila nakasuot ng helmet.
“We are conducting operations, it’s none of your business,” tugon ng isa sa naturang traffic enforcers sa motoristang nagtanong.
“Dapat magalang kayo sa pagsagot…hindi nakakatulong sa imahe natin ‘yan,” sabi ni Lim sa dalawang traffic enforcers.
Authorized ang MMDA traffic personnel na sitahin at hulihin ang mga nakamotorsiklong walang suot na helmet.
Inatasan ni Lim ang administrative service na magsampa ng kaukulang kaso laban sa dalawang MMDA personnel.
“We will not tolerate such infractions even if they are committed by our own people – those who are supposed to enforce the traffic rules and regulations in Metro Manila. But we will always be behind those who are dedicated in performing their jobs,” pahayag ng MMDA chief. (Anna Liza Villas-Alavaren)